visual aid (víz•wal eyd) : anumang materyales na inihanda para makíta o mapanood, gaya ng pelikula, retrato, slide, larawan, o katulad na ginagamit na pantulong sa pagtuturo
martial arts (már•syal arts) : alinman sa tradisyonal na anyo ng self-defense o pagtatanggol sa sarili o kombat na nagmula sa Asia na gumagamit ng pisikal na kakayahan at koordinasyon, hal karate, aikido, judo, at katulad; karaniwang isina-sagawâ bílang isport
plastic arts (plás•tik arts) : mga anyo ng sining na iniukit o imi-nolde, gaya ng eskultura o seramika.
per•fór•ming arts : tula, drama, o musika na nangangailangan ng pagtatanghal upang maging makatotohanan.
fine arts (fáyn arts) : ang mga sining na may layuning estetiko, tulad ng panulaan, musika, lalo na ang pagpipinta, eskultura, at arkitektura
Master of Fine Arts (más•ter of fáyn arts) : sa edukasyon, titulo ng nakatapos na may master sa pag-aaral ng mga sining na gaya ng pintura, eskultura, at iba pang sining biswal